Wednesday, August 19, 2015

Katangian ng Isang Kaibigan

       Sa panahon ngayon kakaunti na lamang ang mga tunay na kaibigan. Mahirap magtiwala dahil  sa huli,
 ikaw lang din ang masasaktan.Minsan,kailangan din nating maging sigurista para sa ating kapakanan.
       

        Nais ko sa isang kaibigan ay may Takot sa Panginoon dahil kung may takot kami sa Diyos ito ang 
 magiging sentro ng aming pagiging pagkakaibigan. Nais ko rin na mapagkakatiwalaan na kaibigan para
 msabi ko sa kanya ang aking sikreto ko. Pangatlo ay maaalalahanin para lagi niyang iintindihin ang sitwa-
 syon ko, lalo na saking mga problema at mga pagsubok nandyan siya upang tulongan ako.

       Kapag nagkaroon ka ng tunay na kaibigan, dapat mo silang pahalagahan. Sila rin ay ating tulongan
dahil sila ang ating sandigan kapag tayo'y nangagailangan.

No comments:

Post a Comment