Wednesday, September 2, 2015

Magkabilang Mundo - Jerih Lim ( Paboritong Musika )

    Sa mga taong magaling kumanta ay hindi na ako isa dun , pero bawat isa satin na hindi marunong kumanta ay may kinahihiligan din . Ang aking paboritong kantahin ay ang "Magkabilang Mundo" ni
Jireh Lim . 
     Ang kantang iyon ay hinahihintulad ko ito sa aking mga mahal sa buhay na malalayo sakin. Ang kahulugan nito ay mayroon tayong mahal na malayo satin at hindi tayo susuko na sila o siya hintayin.
Dahil gagawin natin ang lahat para sa isang tao na nais natin makasama sa buhay at sila din ang nagbibigay kasiyahan para satin.

Ang Liriko ng Magkabilang Mundo
( Jireh Lim )

Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo
Ang awit na to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo
[Verse 2:]
Kahit nasan ka man
Hindi ka papalitan
Nag iisa ka lang
Kahit na langit ka at lupa ako
Ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong
Nagniningning
[CHORUS:]
Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka
[Verse 3:]
Hihintayin kita
Kahit nasan kapa
Di ako mawawala
Kahit na may dumating pa
Andito lang ako iibig
Saiyo hangga't nandyan ka pa
Hangga't wala ka pang iba
{REPEAT CHORUS 4X}

Tuesday, September 1, 2015

Alamat ng Juan Tamad


  Si Juan  ay isang bata na alam lang  gawin ay matulog. Siya ay makupad  o ayaw kumilos sa mga ni
nanais niyang gawin.Kaya binansagan siya ng kanyang ina na "Juan Tamad".

Isang araw gusto ni Juan Tamad na kumain ng isang bayabas , ngunit sa sobrang tamad niya ay ayaw
niyang mapagod sa pagpitas nito.At napansin niya na may mga bayabas na nahuhulog sa puno nito.
Nagpasiya lamang siya na humiga sa ilalim ng puno na  katapat ng bunga na bayabas.Ayon kay Juan
ay hihintayin na lamang niya itong mahulog sa kaniyang bibig.

 Nakita siya ng isang babae na ang ngalan ay Maria Masipag ito  ay maganda at napakamasipag na babae na puro alam ay gawin ang mga gawaing bahay.Sinabihan nya si Juan na wala siyang mapapala kung di nya iyon pipitasin. Si Juan ay nagandahan siya kay Maria at agad niya itong sinunod. Napalapit siya dito pero ang mama ni Maria ay ayaw siya nito. Dapat muna daw ay magbago si Juan upang tanggapin sya ng mama ni Maria.

  Si Juan ay nagbabago na at nagulat ang kanyang mga magulang na siya ay talagang masipag na ngayon. Na dating Juan ay ang alam lang ay matulog kumain, pero ngayon ay gumgawa na sya ng mga gawaing bahay. At sinagot na siya ni Maria.

Pagkalipas ng ilang taon si Juan Tamad ay binansagan na "Juan Tama".