Friday, January 8, 2016

Rizal Day






Ika-30 ng Disyembre ay ipinagdiriwang natin ang kamatayan ni Jose Rizal sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan. Maraming nagsasabi na mahalaga ang pagkamatay ni Jose Rizal dahil ito daw ang nag-usig ng rebolusyon. Ang kanyang pagkamatay ang siyang dahilan kung bakit nagkaisa ang himagsikan laban sa kolonyalismong Kastila.Ngunit, hindi ito tama.


Nakakalungkot lang isipin dahil base sa ulat ng 24 oras, nang sila’y mag survey kung ano nga ba ang mayroon sa araw na ito, halos karamihan sa kanilang sagot ay kaarawan daw ito ni Rizal. Marahil ang iba sa mga ito’y hindi nakapag aral, ngunit ang iba naman ay mga highschool students na tila sinasayang ang kanilang pagpasok sa paaralan, dahil sa hindi rin nila alam na araw ito nang kamatayan ni Rizal.


Bilang estudyante papahalagahan ako katagang sinabi ni Rizal na " Ang Kabataan ng Pag-asa ng Bayan" dahil naniniwala ako na ang kabataan ay susi upang mabago lalong lalo na sa ating kinabukasan.

Wishlist

    Sa panahon ngayon ay marami ng mga bagong magagandang gamit ngayon, lalo na sa gadyets. Isa ang wishlist ko ay magkaroon ng cellphone dahil na sa aking mga kaibigan at kaklase ay tila ako lang ata na walang ganun. Oo minsan naiinggit ako pero marami pang panahon para dun. 

   Ang pinaka importante kong wish ay makumpleto kami ng aking pamilya para sa  darating na pasko. At magpasalamat sa ating Panginoong Diyos sa mga binigay niyang biyaya satin at sa paggabay araw - araw.

  Siyempre isa rin ang tanging hinihiling ay maging malakas,malusog,at higit sa lahat ay lumaki ako :).

Sunday, November 15, 2015

Rehalisasyon ng Parabula ng Banga

     Ang daming mga bagay na ipinapa-alala ng ating mga magulang.Pero ang lahat ng mga iyon ay para din naman sa ating ikakabuti.Kahit na minsan ay sawang-sawa kanang pakinggan ang kanilang pinapayo , pero di natin iyon masisi kasi nandyan sila dahil mahal nila tayo gusto lang naman nila na mapabuti tayo .
 
     May panibago na naman akong natutunan sa parabula na ito , katulad ng lahat tayo ay nilikha ng Diyos ngunit minsan ay may nakakalamang pero dapat tayo makuntento kung ano ang bingay niya sa atin hindi lahat ng bagay ay kina-iingitan. Isipin nalang natin na ito lamang na isang pagsubok na kailangang malagpasan.
   
     Kaya't naniniwala ako sa kasabihan na Mas maganda paghirapan kaysa sa umasa lamang.

   

Sabado't Linggo ( Ika 14 at 15 ng Nobyembre )

  ( Sabado )
 
 Pagkamulat ng aking mata  nasilayan ko ang kay gandang umaga.Pagkatingin ko sa aming  orasan ay tanghali na pala, Ako ay nalungkot dahil hindi ako nakasama sa aktibidad na kung tawagin ay "Global Walk" sa Ynares Center .Ang ginawa ko na lang muli ay natulog ulit ako ,pagkatapos ay kumain na ng almusalan. Ang sumunod kong ginawa ay nanuod ng telebisyon dahil Aldub na.
  Pagkasapit ng alas tres ng hapon ako ay natulog na uma-asa na lalaki pa ko.Pagkagising ko naman ako ay dumiretso sa "computer shop" upang gawin ang aking blog.

( Linggo )

 Kinabukasan inatupag ko na ang lahat ng aking gawain upang sa gabi ako ay wala ng iniintindi.Pagsapit ng gabi ako ay nanuod ng Kapuso Mo Jessica Soho dahil hindi kumpleto ang Linggo ko kapag di ko ito napanuod.

Sunday, November 1, 2015

Sampung Bagay na Gagawin sa Sembreak

Ang una kong gagawin sa sembreak ay una pagkatapos kong kumain ako ay nagcomputer upang tanungin ang aking ka grupo sa EsP kung may praktis , at ako ay pumunta kilaVanessa Tablo upang magpraktis. dahil malapit na ang Culminating Actvity kaya't kailangan naming pagbutihan sa aming sayaw

Ikalawa naman ay pumasyal kami ng aking mga kaibigan upang maglibang.Para naman sumaya ang aking sembreak

Ikatlo ay naglaro kami ng basketball dahil minsan lang ako makapag laro kayat sinulit kona. Upang ma exercise ang aking katawan

Ikaapat ay pumunta muli ako saking kamag-aral upang gawin ang proyekto sa T.L.E. dahil sa lunes na ipapasa iyon.

At dahil wala na akong magawa ang pang lima ko ginawa ay akoĆ½ inutasan ng aking magulang na maglinis ng aming kuwarto at sa gayon ay may matulong naman ako sa gawaing bahay at lalo na saking nanay.

Ikaanim  naman ay Manood ng pelikula dahil hilig ko ang panonood ng pelikula kaya nais ko itong gawin ngyaong sembreak dahil hindi ko ito magawa kapag weekdays.

Ikapito ay Kumain ng marami dahil gusto kong magpataba dahil kapag nasa eskwelahan ako ay unti lamang ang aking kinakain. Kaya't ngayong sembreak ay gusto ko lamang gawin ay kumain kain.

Ikawalo ay Gumala-Gusto kong mag-gala kung saaan-saan upang mabawasan ang aking stress 

IkaSiyam naman ay manuod ng TV gaya ng Jessica Soho dahil ang mga palabas tuwing sembreak ay mga kakatakutan at iyon ang mga hilig ko panuorin.

At ang panghuli ay Mag bonding kasama ang pamilya-Dahil hindi ko na sila nabibigyan ng panahon kapag  may pasok, nais ko naman silang makasama ngayong sembreak.

Marami pa akong gusto gawin ngayong sembreak ngunit sapat na ito upang mapasaya kahit papano ang aking buhay sa paggawa ng mga bagay na iyon.

Sabado'"t Linggo ( Ika-31 ng Oktubre at ika-1 ng Nobyembre )

   Mainit na umaga ang bumungad sakin noong sabado,kaya't ako ay natulog muli sa aking kuwarto dahil ako ay tinatamad pang bumangon. Nang ako ay bumangon na at kakakain ng aking almusal ay napa-isip ako na
kailangan kong tapusin ang aking mga takdang-araling lalo sa asignatura sa Filipino.Para kapag natapos na ang mga ito ako ay malayang makakapag-gala o makakapagpasyal sa Heaven's Gate , at wala ng iintindihin pa sa Linggo.

  Kinabukasan pagkamulat ng aking mata pumunta ako sa aking kaibigan upang yayain papuntang Heaven's Gate at manuod ng mga aktibidad lalo na ng Fireworks Display . Pumasok din kami sa Horror House na sinasabing nakakatakot daw agad naming sinubukan na sagayon ang aking Sem Break ay maging masaya.


Wednesday, September 2, 2015

Magkabilang Mundo - Jerih Lim ( Paboritong Musika )

    Sa mga taong magaling kumanta ay hindi na ako isa dun , pero bawat isa satin na hindi marunong kumanta ay may kinahihiligan din . Ang aking paboritong kantahin ay ang "Magkabilang Mundo" ni
Jireh Lim . 
     Ang kantang iyon ay hinahihintulad ko ito sa aking mga mahal sa buhay na malalayo sakin. Ang kahulugan nito ay mayroon tayong mahal na malayo satin at hindi tayo susuko na sila o siya hintayin.
Dahil gagawin natin ang lahat para sa isang tao na nais natin makasama sa buhay at sila din ang nagbibigay kasiyahan para satin.

Ang Liriko ng Magkabilang Mundo
( Jireh Lim )

Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo
Ang awit na to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo
[Verse 2:]
Kahit nasan ka man
Hindi ka papalitan
Nag iisa ka lang
Kahit na langit ka at lupa ako
Ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong
Nagniningning
[CHORUS:]
Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka
[Verse 3:]
Hihintayin kita
Kahit nasan kapa
Di ako mawawala
Kahit na may dumating pa
Andito lang ako iibig
Saiyo hangga't nandyan ka pa
Hangga't wala ka pang iba
{REPEAT CHORUS 4X}